|
Hindi kami lumaki sa sobrang hirap… pero hindi rin kami lumaki sa luho. May pagkain sa mesa, may tuition tuwing pasukan kahit walang bagong uniform o sapatos. Pero never yata kami nagkaron ng “Basta gusto ko, bili” moments. Bata pa lang kami, tinuruan kami ng mga magulang namin na bawat piso ay pinagpapaguran. Na mas mahalaga ang needs kaysa wants. Na kapag may sobra, doon ka lang magluho ng konti (after pag isipan at diskusyunan pa ng mga sampung beses). Naalala ko nung mag-10th birthday ako… gusto ko sana ng bagong laruan. Yung maliit na kitchen set lang sana..
Pero hindi pwede. Yung mga classmates ko, may party, may cake, may giveaways. Ako? Spaghetti at softdrinks lang sa bahay. Walang balloons, walang bongga… pero masaya pa rin ako. Masaya kasi kumpleto kami. Masaya kasi ramdam ko yung effort at pagmamahal nila. Kahit malayo si Mommy noon, lagi naming nararamdaman na nanjan lang sha. Minsan tawag lang sa telepono o sulat na ilang linggo bago dumating, pero sapat na para maramdaman naming hindi kami nakakalimutan. At Ngayon, Gets Ko na Lahat Bilang magulang, mas ramdam ko yung bigat ng sakripisyo nila. Yung mga gabing baka gusto nilang kumain sa labas or may biglang "cravings" pero pipiliin yung simpleng ulam (or matulog na lang) para may matira sa budget. Yung overtime kahit pagod na pagod na. Yung pagtitipid sa sarili para may maibigay sa amin. Hindi kami pinalaki sa luho, pero pinalaki kami sa pagmamahal at security. At yun ang yaman na hindi nauubos. Ako Naman Ngayon ang Magdadagdag sa Kwento Gusto kong ibigay sa mga anak ko ang lahat ng ginawa ng mga magulang ko… pero may idadagdag ako: FREEDOM. Freedom na mangarap nang walang takot kung may pambayad ba sa tuition. Freedom na pumili ng career dahil gusto nila, hindi dahil practical lang. Freedom na mabuhay nang walang tanong kung kakayanin ba sa bawat desisyon. Kaya ngayon, sinasabi ko sa sarili ko, sige, okay lang magtiis... Tiis + Maraming sipag at tyaga at shempre ...Ipon. Kahit maliit, basta tuloy-tuloy. Para hindi lang sila mabuhay ng pilit, pero hangad ko na sana ay maging successful at mas maunlad ang buhay nila. Sobrang Proud Ako sa Pinanggalingan Ko At gusto kong dumating yung araw na masasabi rin ng mga anak ko, “Si Mama, ginawa lahat para bigyan kami ng maayus na buhay." Mahirap maging cycle breaker. Pero mas mahirap makita ang mga anak mo na pinapasan yung bigat na kaya mo namang buhatin ngayon. Konting sikap pa...darating din ang araw na sana'y ang iisipin na lang nila ay, “Alin sa mga pangarap ko ang uunahin ko?” Pag dumating ang pagkakataon na yon, yayakapin ko sila at sasabihin, “Anak, yan ang bunga ng pagmamahal na itinuro nila Daddy sa amin.. at ipinasa ko naman sa inyo.”
0 Comments
Kanina, bumaba lang ako para magdeposit sa bangko sa kabilang building. Normal na Sunday morning lang dito sa Digital City- mainit, nakakapagod, pero wala namang kakaiba. Habang naglalakad ako, mga sampung metro mula sa akin, may biglang bumagsak. Isang Indian na lalaki, nakakurbata, malamang empleyado rin dito. Walang kaabug-abog, walang senyales - basta ka-blag! Bagsak siya, parang wala nang malay.
From where I was standing, natanaw ko na may mga tumakbo agad para tumulong. May nagdala ng wheelchair, pero naisip ko, “Bakit wheelchair? Nakahiga siya at hindi gumagalaw.” May isang babae, parang sinabuyan ng tubig ang mukha niya, pero walang response. Ilang minuto lang, may dumating na stretcher galing Habib Hospital. Binuhat siya. Parang hindi siya gumalaw. Habang pinapanood ko yun, natigilan talaga ako. Napaisip ako ng malalim. “Paano kung ako yun?” Tayong mga OFW, ito yung kinatatakutan natin pero bihira nating pag-usapan. Nasa ibang bansa tayo, malayo sa pamilya, nagtatrabaho araw-araw para mabigyan sila ng magandang buhay. Pero sa likod ng lahat ng yan, tahimik nating dinadasal, “Lord, sana mabuhay pa ako nang matagal. Sana makauwi pa ako ng ligtas. Sana makita ko pang matupad lahat ng pangarap ng mga anak ko.” Ayokong mangyari sakin yun. Gusto ko pang makita ang mga anak ko na grumaduate, magtagumpay, maabot lahat ng pangarap nila. Gusto ko pa silang mayakap nang mahigpit at masabi sa kanila kung gaano ako ka-proud sa kanila. Minsan kasi, sa sobrang busy natin sa trabaho, padala, at mga obligasyon, nakakalimutan nating sobrang fragile ng buhay. Pwedeng matapos lahat sa isang iglap. Ang buhay? Ang bukas? Hindi yan sigurado. Habang pinapanood kong buhatin yung lalaking bumagsak, sobrang bigat sa puso. Hindi ko siya kilala, pero para bang may kurot (o takot?) sa puso ko. Kasi ang alam ko, kaninang umaga, pareho kami ng pinagdasal ng lalaking yun- na sana, makauwi tayo nang maayus at ligtas, at makita nating matupad lahat ng pinaghirapan natin para sa pamilya natin. Life is so short. Sana, habang may pagkakataon pa, magmahal tayo nang mas totoo, magbigay tayo nang mas sobra, at gawing sulit lahat ng sakripisyong ginagawa natin para sa mga mahal natin sa buhay. |
HappinessMy happiness comes from the people who believe in me and inspire me every day. They are my strength.
Life is a beautiful, fleeting journey. Despite the challenges, I see beauty and miracles everywhere. Growing up was tough, but my Dad was my beacon of hope. He taught me to believe in myself and to embrace life's limitless possibilities. His lessons and spirit guide me still. I lost him years ago, but I carry his memory everywhere I go, hoping he's proud of me—as I've always been of him. I promised him I'd live life to the fullest. Now, I find joy in writing, traveling, and simply living, cherishing each moment. This, I believe, is something we all should embrace: finding happiness in every part of life.
Archives
December 2025
|

RSS Feed