|
Kanina, bumaba lang ako para magdeposit sa bangko sa kabilang building. Normal na Sunday morning lang dito sa Digital City- mainit, nakakapagod, pero wala namang kakaiba. Habang naglalakad ako, mga sampung metro mula sa akin, may biglang bumagsak. Isang Indian na lalaki, nakakurbata, malamang empleyado rin dito. Walang kaabug-abog, walang senyales - basta ka-blag! Bagsak siya, parang wala nang malay.
From where I was standing, natanaw ko na may mga tumakbo agad para tumulong. May nagdala ng wheelchair, pero naisip ko, “Bakit wheelchair? Nakahiga siya at hindi gumagalaw.” May isang babae, parang sinabuyan ng tubig ang mukha niya, pero walang response. Ilang minuto lang, may dumating na stretcher galing Habib Hospital. Binuhat siya. Parang hindi siya gumalaw. Habang pinapanood ko yun, natigilan talaga ako. Napaisip ako ng malalim. “Paano kung ako yun?” Tayong mga OFW, ito yung kinatatakutan natin pero bihira nating pag-usapan. Nasa ibang bansa tayo, malayo sa pamilya, nagtatrabaho araw-araw para mabigyan sila ng magandang buhay. Pero sa likod ng lahat ng yan, tahimik nating dinadasal, “Lord, sana mabuhay pa ako nang matagal. Sana makauwi pa ako ng ligtas. Sana makita ko pang matupad lahat ng pangarap ng mga anak ko.” Ayokong mangyari sakin yun. Gusto ko pang makita ang mga anak ko na grumaduate, magtagumpay, maabot lahat ng pangarap nila. Gusto ko pa silang mayakap nang mahigpit at masabi sa kanila kung gaano ako ka-proud sa kanila. Minsan kasi, sa sobrang busy natin sa trabaho, padala, at mga obligasyon, nakakalimutan nating sobrang fragile ng buhay. Pwedeng matapos lahat sa isang iglap. Ang buhay? Ang bukas? Hindi yan sigurado. Habang pinapanood kong buhatin yung lalaking bumagsak, sobrang bigat sa puso. Hindi ko siya kilala, pero para bang may kurot (o takot?) sa puso ko. Kasi ang alam ko, kaninang umaga, pareho kami ng pinagdasal ng lalaking yun- na sana, makauwi tayo nang maayus at ligtas, at makita nating matupad lahat ng pinaghirapan natin para sa pamilya natin. Life is so short. Sana, habang may pagkakataon pa, magmahal tayo nang mas totoo, magbigay tayo nang mas sobra, at gawing sulit lahat ng sakripisyong ginagawa natin para sa mga mahal natin sa buhay.
0 Comments
Leave a Reply. |
HappinessMy happiness comes from the people who believe in me and inspire me every day. They are my strength.
Life is a beautiful, fleeting journey. Despite the challenges, I see beauty and miracles everywhere. Growing up was tough, but my Dad was my beacon of hope. He taught me to believe in myself and to embrace life's limitless possibilities. His lessons and spirit guide me still. I lost him years ago, but I carry his memory everywhere I go, hoping he's proud of me—as I've always been of him. I promised him I'd live life to the fullest. Now, I find joy in writing, traveling, and simply living, cherishing each moment. This, I believe, is something we all should embrace: finding happiness in every part of life.
Archives
August 2025
|

RSS Feed