Minsan, hindi mo na alam kung pagod ka lang… o talagang hindi mo na kaya.
Minsan, kahit andaming tao sa paligid mo, pakiramdam mo mag-isa ka pa rin. Parang kahit anong sigaw mo, walang makakarinig. Kahit anong ngiti mo, walang nakakapansin na pilit lang pala. At minsan, naiisip mo: “Paano kaya kung bigla na lang akong mawala?” Hindi dahil gusto mong sumuko. Hindi dahil mahina ka. Pero dahil sobrang bigat na. Yung tipong ayaw mo namang iwan ang mga mahal mo, pero hindi mo na rin alam kung paano pang hahawakan ang sarili mong bigat. Ang dami mong kailangang isipin. Bills. Trabaho. Expectations. Pamilya. Future. Tapos sa gitna nun, andiyan pa yung sarili mong mga iniiyak sa gabi na hindi mo masabi kahit kanino. Pagod ka na. Pero kailangan pa. Kailangan pa ring ngumiti. Kailangan pa ring bumangon. Kailangan pa ring magpanggap na okay ka… kahit hindi naman talaga. Alam mo yung pakiramdam na gusto mong humingi ng tulong, pero hindi mo alam kung paano? Kasi baka isipin nilang ang arte mo. Baka isipin nilang “drama” lang. O baka… wala talagang makaintindi.
0 Comments
Leave a Reply. |
HappinessMy happiness comes from the people who believe in me and inspire me every day. They are my strength.
Life is a beautiful, fleeting journey. Despite the challenges, I see beauty and miracles everywhere. Growing up was tough, but my Dad was my beacon of hope. He taught me to believe in myself and to embrace life's limitless possibilities. His lessons and spirit guide me still. I lost him years ago, but I carry his memory everywhere I go, hoping he's proud of me—as I've always been of him. I promised him I'd live life to the fullest. Now, I find joy in writing, traveling, and simply living, cherishing each moment. This, I believe, is something we all should embrace: finding happiness in every part of life. ![]() Archives
June 2025
|