ONE GOOD LIFE
  • HOME
  • TRAVELOGUE
  • TRAVEL TIPS
  • BLOG
  • FEEDBACK
  • HOME
  • TRAVELOGUE
  • TRAVEL TIPS
  • BLOG
  • FEEDBACK
Picture

OFW Padala Tips: Para May Napupuntahan ang Sakripisyo

5/27/2025

0 Comments

 
📍 “Padala ka nang padala… pero kailan ka magpapadala para sa sarili mo?”

Naranasan mo na bang makuha ang sahod tapos ubos agad… POOF! lumipad na sa remittance?
Same, bes.
​
May kilala ako, bago pa lang sa abroad, may isang buwan na halos wala shang natitira sa sweldo . Kasi lahat pinadala nya sa Pinas: pambayad ng kuryente, pang-tuition, birthday ng Mama nya, at siyempre... ‘yung pabango sa Shopee na hindi naman nya naman magagamit.

Sarap tumulong, oo. Pero habang tumatagal, napapaisip ako:
“Okay ka lang, teh?”

💥 Real Talk: OFW ka, hindi ka Forever Working Fund
Let’s admit it. Tayong mga OFW, may superhero complex. Gusto natin sagipin lahat, kahit minsan tayo na ang lumulubog.

Pero hindi pwedeng sakripisyo palagi. Hindi pwedeng every sweldo, ikaw ang last sa priority list mo.
Ito ang mga tried and tested padala tips para may napupuntahan din ang hirap mo.

💸 TIP #1: Bago Padala, Magtabi Ka MunaKung may dapat kang unahin, ikaw yun.
I learned this the hard way. Noong na-ospital yung friend ko abroad, wala shang emergency fund. Napilitan shang umutang, habang lahat ng pinaghirapan nya, nasa Pilipinas.
Kaya simula noon, nakinig na sha sa ken, automatic na ang formula:
Save first. Padala later.

Ikaw, try mo din ito!
:
🟢 Set aside 10% para sa savings
🟢 Another 10% for short-term goals (travel fund, retirement fund, etc.)
Ikaw din naman ang kakayod ulit next month, ‘di ba? Kaya unahin mo na sarili mo kahit konti.

📦 TIP #2: Padala na May Plano Hindi porke may extra, padala agad.
Ask yourself:
  • Kailangan ba talaga ‘yan?
  • Anong goal ng padala mo?
  • Uulitin ba ito next month?
✅ Pwedeng gumamit ng padala tracker (kahit notebook lang or Google Sheet)
✅ Talk to your family. Mag-usap kayo about needs vs wants.
✅ Teach them na padala is not forever. You're building something bigger.

🧾 TIP #3: Budget Mo, Hindi Dapat Puro Emosyon
May time na napipilitan ka magpadala kasi umiiyak si bunso mo sa video call. Ang sakit lang sa puso talaga. Pero nung sumunod na buwan, ganun ulit?!

Aba, dapat naman narealize mo na: kulang tayo sa system, hindi lang sa pera.

So eto gumawa ako ng sariling OFW Budget Template. Ako na ang nag isip para sa ating lahat.

OFW Padala Formula Example:
  • 50% Family support
  • 10% Emergency fund
  • 10% Retirement savings
  • 10% Investment fund
  • 10% Personal needs
  • 10% Pang-luho ko na may limit (yes, deserve ko ‘to minsan!)

Hindi mo kailangan sundin to the dot. Pero maganda na may guide ka.
Picture
🛑 TIP #4: Balikbayan Box is Not a Measure of Love
Let’s face it, hindi mo kailangang magpadala ng box every sale.
May time na pinadala mo ang “Love box”  tapos nalaman mong niremata lang yung bagong bag.
Matatawa ka ba o iiyak?

Remember:
🎁 Presence > Presents
🎁 Quality > Quantity
🎁 Call mo sila, hindi lang kapag may padala

🧠 TIP #5: Padala Mo, Dapat May Ipon Din
Gamitin mo ang kinikita mo para rin sa future mo:
  • GInvest
  • MP2
  • Money Market Funds
  • Time Deposit

Kahit maliit lang muna. Basta consistent.
Hindi mo kailangang maghintay ng milyon bago mag-invest. Pwede nang magsimula kahit P1,000 lang.

❤️ Final Hugot: Ikaw din ang Bida sa Storya Mo
Hindi selfish ang mag-ipon. Hindi kasalanan ang magplano para sa sarili mo.

Sa totoo lang, mas matibay kang sandalan kapag matatag din ang personal finances mo.
Kaya bes, bago ka magpadala ng kahon…Magpadala ka muna ng pangarap para sa sarili mo.

Mag-ipon ka. Mag-invest ka. Magpahinga ka.

Hindi lang para sa kanila. Para sa mas magandang version ng sarili mo.

🔗 Read more tips at:
https://www.onegoodlife.net/prosperitymaxblog
📣 Follow us on Facebook: Prosperity Max
​

#onegoodlife #ProsperityMaxTips #PadalaWithPurpose #OFWFinanceHacks #MoneyMadeSimple #IponGoals
0 Comments



Leave a Reply.

    Are you ready to get rich and start living a prosperous life?

    Archives

    June 2025
    May 2025
    December 2023

    Categories

    All

    RSS Feed

    💸 Want ₱100 free?
    Get ₱50 from Maya + ₱50 from SeaBank when you sign up using my links!

    ​👉 Maya: Up to 15% interest + ₱50 bonus
    https://www.maya.ph/app/registration?invite=PK37ZPGP5K6L

    👉 SeaBank: Easy savings + ₱50 bonus
    https://app.seabank.ph/app/main?...&referralCode=MO304263

    🪙 Real talk: Every peso counts. Start your Ipon Goals today!
    #ReferralBonus #IponGoals #ProsperityMax
Powered by Create your own unique website with customizable templates.
  • HOME
  • TRAVELOGUE
  • TRAVEL TIPS
  • BLOG
  • FEEDBACK